二维码
Media Law- Joline 的头像

Media Law- Joline

1. BA Communication Research 2. Sandosenang Sapatos: Ito ay isang children's book ngunit walang kupas ang interes kong basahin ito sapagkat nakakataba ng puso ang istorya at ang libro mismo ay nakakapagbigay-alaala ng pakiramdam ng aking pagkabata. 3. Triangle: Pinakapaborito ko ito at pinakagumulo sa aking utak sapagkat ang palabas na ito ay nilalaro ang elemento ng oras kung saan umuulit ang mga pangyayari ngunit siya lamang ang nakakaalala. Natapos ang istorya na may mabigat na pakiramdam at sa tingin ko'y napakaganda ng desisyon ng direktor o scriptwriter sa ending nito. 4. Ricky Lee- Gustong-gusto ko yung pamamaraan ng kaniyang pagsusulat na umabot sa punto na ginagaya ko ang istilo nito. Nakakaaliw kasi ang kaniyang pagsasalaysay ng isang kaganapan. 5. Boston- Paborito ko itong kanta dahil sa masaya ngunit may kaunting bahid ng kalungkutan na pakiramdam ang naidudulot ng piano instrumental nito sa una kung kaya't sa buong kanta'y naka-set na ang iyong feelings sa pagbabalik-tanaw sa iyong mga bittersweet na nakaraan. 6. Adobong Manok na may patatas na luto ni papa: nakasanayan ko simula bata pa ako at sobrang sarap kasi talaga dahil nagtatalo yung asim at tamis ng adobo kaya hindi nakakasawa!